In the Paper BrandedUp Watch Hello! Create with us Privacy Policy

FULL TEXT: Charo Santos reflects on being a Nora Aunor fan and how her 'Superstar' gave hope to Filipinos in touching tribute

Published Apr 22, 2025 12:58 pm

Charo Santos-Concio looked back on her teenage years as a die-hard fan of her "Ate Guy" and "Superstar" Nora Aunor, who died on April 16 at 71 years old.

The media executive delivered her eulogy for the late legendary actress, who was honored with a state funeral on Tuesday, April 22 at the Metropolitan Theater.

In her tribute, Santos-Concio opened up about seeing herself in Aunor, and how she became certain about being a Noranian even before she knew the direction she wanted to take in her life. She also talked about how Aunor gave Filipinos the most important gift: hope.

Read the full text of her eulogy below.

"Walang himala. Pero mayroong nag-iisang Nora Aunor.

Ang kanyang tunay na buhay ay isang pagpapatunay na walang imposible kahit para sa isang batang nagtitinda ng tubig at mani sa riles ng tren. Ang kanyang tunay na buhay ay nasalamin sa buhay nina Elsa, Corazon, Delia, Flor Contemplacion, at marami pang iba. 

But Nora Aunor was even bigger than all her roles. Higit pa sa mga karakter na kanyang binigyan ng buhay, binigyan niya ng buhay ang pangarap ng milyon-milyong Pilipino. 

Kahit saang probinsya ka man manggaling, ano mang hirap mo, Nora gave millions of Filipinos the most important gift: hope. Pag-asa. Kung kaya ni Ate Guy, kaya ko rin.

Kabilang ako sa mga Pilipino na nakita ang sarili nila kay Nora. Una kong nakita si Nora sa telebisyon sa Tawag ng Tanghalan. Noon pa man, nabighani na ako sa kanyang boses at sa kanyang presensya, sa kanyang ganda. Hindi pa man alam ng bansa na siya ay magiging isang phenomenon, to me, she was not just a star. She was our Superstar.

Siya noon ay 14 years old, ako ay magdodose pa lang at tulad niya, isa din akong probinsyana. Hindi ko pa tiyak kung ano ang gusto kong marating sa buhay—ang sigurado lang ako, noon, ako ay isang die-hard Noranian. 

Kami ng kapatid kong si Malou ay may makapal na scrapbook ng mga litrato ni Guy. Tinatabi namin ang baon namin para lang may pambili ng komiks, magazines, at mga pictures niya na binebenta sa bangketa ng Avenida Rizal. Wala kaming pinapalampas na issue. Minsan, nagagalit ang mga magulang namin dahil bawal ang komiks sa bahay at imbes daw na magbasa ng libro, ang binubuklat namin ay ang scrapbook at mga komiks. Kaya tinatago namin ang mga ito sa ilalim ng kama at kapag tulog na silang lahat, kinukuha namin ang flashlight at paulit-ulit na binabasa ang mga article tungkol sa aming Superstar.

At syempre, ‘pag may pelikula si Nora, pipila kami kahit alas-otso pa lang ng umaga, kahit siksikan, at kahit standing room only.

Invested kami sa kanya. Kinikilig kami sa love life niya. Naiiyak sa mga pinagdadaanan niya. Nagagalit kapag may naninira sa kanya. Minsan sa eskwelahan, mayroon akong kaklase na sinabing hindi daw bagay mag-artista si Nora dahil siya daw ay maitim. Alam niyo na ang nangyari: Ginyera ko ang kaklase ko, walang poise poise, bawal magsabi ng hindi maganda [sa] aking Superstar.

At milyon-milyon kaming katulad ko ay para kay Nora. Tuwing may mga pagkakataon ng paglabas niya sa mga TV shows at iba pang mga personal appearances, dagsa ang lahat kaming mga fans na kilig na kilig at mangiyak-ngiyak kasi nakita namin si Nora, nakangiti at kumakaway. May mga fans na umaakyat ng bakod, hinihimatay, nagaalay ng kwintas na sampaguita hanggang wala nang makita sa leeg ni Nora Aunor.

We were called the ‘bakya’ crowd—and we were proud of it—dahil may Superstar kami na isa sa amin.

Philippine showbiz has never seen that level of adulation until Nora came and never again after Nora. Gayunpaman, si Ate Guy ay nanatiling simpleng probinsyana at heart. Walang attachment sa glamour, fame, or wealth. Ang naging mahalaga sa kanya ay ang kanyang dedikasyon sa kanyang craft dahil ‘yun ang kanyang sukli sa pagmamahal ng kanyang mga tagahanga.

Napapanood natin siya hindi bilang isang artista kundi isang tunay na tao sa mundo ng kanyang karakter na ginagampanan. Hindi siya takot magpakita ng kahinaan. Hindi siya takot pumangit. Maaari ring hindi takot sa sasabihin ng mga kritiko o detractors. Binibigay niya ang lahat.

Si Nora nga daw ang nagpauso ng ‘mata-mata acting.’ Mata pa lang, patay ka na.

Sa Himala, ako ang producer at siya naman si Elsa. Unang beses ko siyang nakatrabaho sa movie na ito at nakita ko kung paanong ang katahimikan niya ay mas malakas pa sa sigaw. Walang camera tricks, walang mabigat na musical scoring, walang kaartehan. Pero nung pumasok na ang eksena, ayan na. Ibang Nora na. Biglang lumalim ang tingin o nag-iba ang paghinga o konting impit ng boses. She didn’t act—she transformed.

Ang gumaganap kay Nora ay hindi mukha o katawan, kundi ang kaluluwa. 

There is something about her that cannot be explained by technique alone. She is raw. She is real. She is authentic. She doesn’t act. She becomes. She transforms. Hindi lang siya artista; siya ay alagad ng sining. May lalim, may tapang, may puso. It was part of her process, her magic, her madness. Alam mong may pinaghuhugutan—may lungkot, may apoy, may madness. But within that madness, there was genius. And when she is in her element, when the camera starts rolling, she is unstoppable.

Himala was very memorable for us. Isa ito sa piling-piling projects ng experimental cinema of the Philippines noon at ito rin ang kauna-unahang pelikulang nirestore ng Sagip Pelikula ng ABS-CBN. Award-winning ang mga roles sa pelikula ng ating minamahal, pero para sa akin, makulay din ang daigdig ni Nora. Maraming dramang pinagdaanan. Maraming kabaliwan. Maraming tagumpay at marami ding lungkot at kwento ng paghihiwalay.

Sa gitna ng lahat ng ito, pinakita niyang muli ang tapang, tatag, higit sa lahat, pagmamahal ng isang mabuting tao. Nasaktan, naghilom, sinubok, lumaban, bumangong muli.

Sa kanyang paglalakbay sa buhay, walang iniwang bakas ng galit. Sa maikli niyang buhay, maraming pangarap siyang binuhay sa puso ng karaniwang tao. Sa mga walang pambili ng sapatos, sa nag-aaral sa ilalim ng lampara. Sa mga nagtitinda sa palengke o naglalako ng tubig. Ang career at pagkatao niya ay naging mabuting halimbawa din sa mga kapwa-manggagawa sa pelikula. Pinakita niya ang kahalagahan ng husay, ng pagmamahal sa fans, ng pakikipagkapwa-tao. 

Ang simpleng Norang nagwagi sa Tawag ng Tanghalan noong 1967 ay ang simpleng Nora hanggang sa huling araw niya.

Mahirap magpaalam sa isang taong nakaukit sa iyong puso. Makakahanap lamang tayo ng ginhawa sa katotohanang ang kanyang ala-ala ay walang kamatayan.

Alam ko pong Nora Aunor means so much more to so many. She is an empowered woman, a wife, a mother, a lover, an actress, a complicated person, a genius, a national artist. Pero para sa aming mga solid Noranians, Nora is our Ate Guy, our Superstar. She was a legend while she lived. She will be immortal after she died."